‘Young Once (Upon A Time)’, aim na i-promote ang OPM at magbigay tribute sa mga composers

Ni: Rose Garcia

HINDI na namin naabutan ang kasagsagan nila, pero sigurado kami, lumaki kami na naririnig ang musika ng mga itinuturing na ‘icons’ ng Philippine music kaya na-enjoy namin nang pumunta kami sa launching ng Young Once (Upon A Time).

Ito ang bagong show ng NET25 na ang aim ng network ay mai-promote pa ang OPM (Original Pilipino Music), magbigay ng tibute sa mga Filipino composers din at hayan, bigyan din ng platform pa ang mga Filipino singers na most likely, hindi na halos kilala ng mga millennials ngayon, pero, yung mga kanta nila, considered classic na.

Na-enjoy namin nang mag-perform ang tatlong host ng Young Once na sina Anthony Castelo, Eva Vivar at Darius Razon ng mga hit songs nilang, “Nang Dahil Sa Pag-Ibig,” “Balatkayo,” “Everybody Knows” at iba pa. Nandun din sina Efren Montes at Cynthia Garcia.

Actually, ang concept ng show, mga music mula sa 50’s to 90’s ang mga mapapanood.  Magge-guest sa show ang iba pang OPM artists tulad nina Pilita Corales, Victor Wood, Jun Polistico, Imelda Papin, Zander Khan, Lolita Carbon ng Asin, Mabuhay Singers at marami pang-iba.

Tinitingnan naman ni Darius Razon na tila mentoring na rin ang show nila sa mga bagong henerasyon na singers.

Aniya, “Isa rin itong daan na parang mentoring. In a way, plaka pa kami nagsimula at naabutan pa rin namin ang millenials na usb na ang gamit.”

Ang Young Once (Upon A Time) ay magpi-premiere na ngayong August 26, Sunday tuwing 8pm sa Net 25 at simulcast din sa EBC’s PINAS FM.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s