Sarah, pinupuri ang kahusayan sa pagganap sa Pinoy version ng ‘Miss Granny’, 70s songs binigyan ng bagong buhay

Ni: Rohn Romulo

GANDANG-GANDA kami sa Miss Granny at halos mapaiyak sa kahusayan ni Sarah Geronimo sa Pinoy adaptation ng 2014 Korean films na hatid ng Viva Films at sa mahusay na direksyon ni Bb. Joyce Bernal.

Pareho silang mahusay ni Nova Villa lalo sa comedy at maging sa mga dramatic scenes.  Siya ang magiging younger version ni Lola Fely.

Napakagaling ng buong cast ng Miss Granny na kinabibilangan nina Lotlot de Leon, Nonie Buencamino, Kim Molina at Buboy Garovillo.

At hindi naman nagpahuli sina  James Reid at Xian Lim na hindi naman masasabing leading man ni Sarah sa movie.

Feel na feel din naman ang movie soundtrack na mga 70s songs na “Rain” (na unang pinasikat ni Boy Mondragon at ni-revive ni Donna Cruz), “Kiss Me, Kiss Me” ni Efren Montes at “Forbidden” ni Norma Ledesma na ni-revive naman ni Vina Morales.

Feeling namin ay bumalik talaga kami sa Dekada ’70, habang mapusong kinakanta ito ni Sarah, lalo na ‘yun ‘Forbidden” habang nagpa-flashback ang mga hirap na kanyang pinagdaanan bilang isang ina.

Gustung-gusto rin namin ang nag-iisang original song na “Isa Pang Araw” na mapuso niyang kinanta sa bandang huli ng pelikula, habang isinusugod sa ospital si Jepoy (James), naiyak talaga kami sa eksena, bukod pa sa eksena nila ni Noni.

Kasama rin sa soundtrack ang “Pangarap Na Bituin” na unang pinasikat ni Megastar Sharon Cuneta na kinanta na rin ni Sarah at Regine Velasquez, na this time sa binigyan ng bagong buhay ni Ataska, na kasama rin sa movie.

Pawang mga papuri nga ang natanggap ni Sarah sa kanyang mahusay na pagganap sa Miss Granny, kaya tiyak na mapapansin siya ng mga award giving bodies sa susunod na taon.

Samantala kumita ang Miss Granny ng P13.8 million sa first two days na talaga naman nakipagsabayan sa mga foreign films.

miss granny-2

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s