Paulo, nilinaw na gusto lang mag-break pero hindi pa siya magre-retire

Ni: Rose Garcia

SIGURO nga ay “shocking” sa showbiz kapag may artistang nagsasabi na gusto munang mag-break, magpahinga o mag-lie-low.

Ganun ang nangyari kay Paulo Avelino na as we all know, nasa peak ng career niya ngayon.

Eh, nag-litanya nang, “parang gusto ko nang mag-retire,” so yun na, kung ano-anong ispekulasyon na ang nangyari.  Hindi nawala yung may pinagdadaanan ba ito ngayon, pagod na, burnt-out, sawa na sa showbiz o magpapakasal na.

Kaya natatawa si Paulo nang kuyugin na ng press after ng presscon proper ng isa sa inaabangang pelikula niya, ang Goyo: Ang Batang Heneral

Ang Goyo, although hindi sequel, ina-anticipate na ito after ng matagumpay na Heneral Luna.  Doon nga lang nilinaw ni Paulo na hindi naman siya magreretiro na sa showbiz.

Paulo Avelino - Gregorio del Pilar

At kahit na natatapangan siya at humanga sa ginawa ng kapwa Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz na talikuran muna ang showbiz, hindi naman daw ganun ang ibig niyang sabihin.

Sa ngayon, ten years na rin daw niyang ginagawa ang trabaho niya, parang gusto lang daw niyang mag-break, gumawa ng ibang bagay na gusto pa niyang magawa.  But it doesn’t mean na mawawala siya.

Na-get namin ang gustong mangyari ni Paulo, yung iwasan na siguro yung sobrang lagare siya.  Tipong quality na yung gagawin niya kahit paisa-isa sa termino niyang slow-paced.

Mas natawa ito nang tanungin kung lalagay na sa tahimik o magpapakasal.  Wala pa raw siya run at hindi rin naman daw niya masasagot kung kailan ito mangyayari.

Anyway, tingin naman namin malabo pang mangyari na mawawala na lang ang aktor o magla-lie-low.    Bukod sa pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral ng TBA na ipapalabas na sa September 5, meron pa siyang bagong serye sa ABS-CBN, ang The General’s Daughters.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s