Kathryn, umaming nahirapan sila ni Daniel dahil malayo ang characters nila sa movie sa totoong buhay

Ni: Ricky Calderon

ISA sa pinaka-successful na tandem sa showbiz ay ang tambalan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.    

Una silang nagtambal sa Princess and I, nasundan ito ng Got to Believe tapos lumabas sila sa mga pelikulang 24/7 in Love at Sisterakas bilang supporting cast.

Ang unang solo movie nila ay Must Be Love, na isang big hit, tapos ginawa nila ang horror film na Pagpag.

Ang iba pang hit movies nila ay ang She’s Dating a Gangster, Crazzy Beautiful You, Barcelona, Can’t Help Falling in Love, at ang newest movie nila na The Hows of Us, na dinirek ni Cathy Garcia Molina.

the-hows-of-us-media

Kakaiba raw ang movie sa mga nagawa na nila before, ayon sa tandem. Sa simula ay masaya sila sa kanilang relasyon pero magbabago ang lahat nang gustuhin nilang tuparin ang kani-kanilang mga pangarap.

Member ng banda si Primo (Daniel) at si George (Kathryn) ay gustong maging doctor.

Kakaiba raw ito sa mga movies na nagawa nila before dahil kwento ito ng relationship.

Ayon kay Kathryn, nahirapan daw sila sa kanilang mga roles dahil malayo ang character nila sa kung ano sila sa totoong buhay. Malaking challenge daw sa kanila na gampanan ito. Pinaghalong rom-com at drama ang movie pero confident naman si Kathryn na nagawa nila ito nang maayos.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s