Pagiging ‘Victor Magtanggol’ ni Alden, bukam-bibig na lalo na ng mga bata

Ni: Nora V. Calderon

NAGIGING bukam-bibig na nga ang pangalan ni Alden Richards bilang si Victor Magtanggol, hindi lamang ng mga matatanda, kundi lalo na ang mga bata.

Hindi nga makalimutan ng cast ng Victor Magtanggol na nag-aatend ng Davao Kadayawan Festival na sina Alden, Pancho Magno, Kristoffer Martin at Dion Ignacio, na habang lumalakad ang parade ng float na sakay sila, walang tigil ang tawag sa kanila ng mga pangalan ng characters nila sa action-comedy-fantasy series.

“Nakakatuwa po kapag tinatawag nila kami sa mga characters namin, ibig sabihin, pinapanood nila kami,” sabi ni Alden.

“Kahit po saan kami pumunta ganoon na ang tawag nila sa amin, ako nga minsan ‘Victor’ minsan naman ‘Hammerman.’ Masarap pong pakinggan, masarap sa puso.”

Alden & Galvez Family

Noong isang araw nga nag-viral ang video ng isang bata na umiiyak dahil wala silang kuryente dahil hindi raw nagbayad ng bill ng Meralco ang nanay niya.

Pinipilit niyang tingnan daw niya ang resibo, tanong ng nanay, bakit gusto niyang makita, ano ang panonoorin niya sa TV, umiiyak na sagot ng bata, hindi raw kasi siya makakapanood ng Victor Magtanggol dahil wala silang kuryente.

The other day naman, ginulat ang taping ng serye sa Blue Gardens in Commenwealth, Quezon City nang dumating ang Galvez Family na lahat ay naka-costume pero iyong batang lalaki na may birthday, siya raw si Thor.

Mga friends pala ni Coney Reyes ang pamilya na siyang may-ari ng Blue Garden at sabi ni Coney, “you just made one little boy very happy!” Sagot naman ni Alden, “Tita, the baby boy here made my day too!”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s