Megan at Mikael, nakapag-raise pa rin para sa ‘Hineleban Foundation’ kahit talo sa competition

Ni:  Rose Garcia

KAHIT natalo, nakapag-raise pa rin daw ng halagang P134,000 ang mag-sweetheart na sina Megan Young at Mikael Daez para sa Hineleban Foundation para magamit sa restoration ng primary forest sa Mindanao.

Nangyari ito sa event ng Conquerors Manila Celebrity Showmatch.

One of the hashtag couple goals daw sina Megan at Mikael ngayon dahil sa ilang years na nilang happy together. In all fairness naman talaga, nagawa nilang pagtibayin ang relasyon nila kahit na noong una, magkaiba sila ng network, may mga ka-loveteam, lumaban pa ng Miss World si Megan at nanalo, nagkalayo as in long-distance relationship sila ng ilang buwan, pero heto, matatag na matatag pa rin.

Isa rin sa hinahangaan ng karamihan kina Megan at Mikael ay kung paano nila nae-enjoy ang mga travels nila. Mapa-planned or spontaneous man ito. Hindi rin sila yung pa-mushy o pa-serious mag-post ng relationship nila sa social media, madalas ay target pa nila ng joke o pangbi-bully ang isa’t-isa pero that’s make them different from others.  Cool couple ang madalas din comment sa kanila.

Pero yun lang at siguro, isa rin sa nagiging epektibo kung bakit patuloy na malakas at sinusubaybayan ang afternoon drama nila sa GMA-7 na The Stepdaughters dahil ibang-iba ang nakikita sa kanila sa totoong buhay at sa serye nila.

Aba, sa The Stepdaughters, puro gulo at pahirap ang hinaharap ng mga karakter nila na sina Mayumi at Francis. At ang lahat ng ito ay dahil sa “demonyitang” stepsister ni Megan, si Katrina Halili as Isabelle.

Ang tanong nga, kailan daw kaya magiging kasing-cool na rin ng totoong buhay na relasyon nina Megan at Mikael ang mga characters na ginagampanan nila sa GMA Afternoon Prime.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s