Daniel, inamin na rin na five years na sila officially ni Kathryn

By:  Rose Garcia

MASASABING pag-amin na nga talaga ang naging statement ni Daniel Padilla nang matanong ito sa naging presscon ng bago nilang pelikula ni Kathryn Bernardo, ang The How’s of Us ng Star Cinema.

When asked kung ilang taon na nga sila officially, sinagot ito ni Daniel nang, “Mga five years.”

Eh, puwede naman nga dahil parang ang dami na nilang hugot at experiences na parang makikita rin sa movie nila.  Dahil may slice of truth daw sa movie sa mga pinagdaanan na nila.

“Yes,” mabilis na pag-amin ni Kathryn.

“May nangyari talaga. Kasi, sa isang relationship naman, hindi ‘yan smooth palagi. Pero, how would you say this, kasi gusto namin.  May choice kayong palaging dalawa kung itutuloy pa ba or ilalaban pa ba?

“At yun, yun ang pinili namin and I think, I made the right choice.

“For me naman kasi, sa isang relationship, kahit gaano natin ka-gustong maging perfect, hindi siya mangyayari.  Basta ang importante rito, may natutunan ka, sabay kayong naggu-grow and move-on.”

Kathryn-Bernardo-and-Daniel-Padilla

Sabi naman ni Daniel, “Palagi naman siyang desisyon pero maraming beses na nagugustuhan ko pa ba? Kaya ko pa ba?

“Palagi na lang akong ako, palagi na lang akong bumabalik.  Bakit nga ba? Sa simula ng lahat ng ito, bakit ko nga ba minahal ang taong ito?  Maaaring nagkaka-problema tayo ngayon, pero saan nga ba tayo nanggaling? Ano na tayo ngayon? Laging ganun.”

Parehong umamin sina Daniel at Kathryn na tulad ng mga eksena sa movie nila, in real-life, meron din silang mga moments na pinag-uusapan ang tungkol sa kanila, may mga confrontations sila.

“Merong mga eksena sa movie na nanggaling yun sa totoong eksena sa buhay namin ni Kathryn,” sey ni Daniel.

Natawang sundot naman ni Kathryn, “Hindi lang ako tumakbo sa ulan.  Kay Direk Cathy na yun. Ha ha ha!”

Well for sure, isa na naman sa maidaragdag sa listahan ng hit movie ng KathNiel ang bagong movie nila na ito na showing na simula sa August 29.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s