Mikee at Kate, pupuwedeng ihalintulad kina Judy Ann at Gladys

Ni:  Rose Garcia

PALAGI mang magkaaway on-screen para sa GMA Telebabad show nila na Onanay, hindi raw naging hadlang ito para lalo pang maging mag-BFF sina Mikee Quintos at Kate Valdez.

Matapos kasi ang una nilang pagsasama noon sa Encantadia, hindi na nga talaga mapaghiwalay ang dalawang Kapuso stars. Pero dahil daw sa pinakabago nilang GMA Primetime series, mas naging malalim ang kanilang pagsasama ngayon dahil sa kanilang mga matitinding eksena.

Although, hindi namin makalimutan ang instant reaction ni Kate nang tanungin namin kung okey lang ito na kontrabida ang mga nagiging role.  Obviously, hindi ito ang pine-peg ng Kapuso star.

Mikee_Jo_Kate (4)

Sabagay, more on bida/kontrabida naman nga ang karakter niya tulad ngayon sa Onanay.  Kung tutuusin, mas magandang role dahil mas natsa-challenge siya.

Eh, personally, we really find Kate na puwedeng gawing pang-bida talaga/leading lady.

Going back to Kate and Mikee, although sa Kapamilya lumabas noon sina Judy Ann Santos at Gladys Reyes, pero parang puwede silang maihalintulad sa dalawang mga respetadong mga aktres na ngayon.  Though, solid kontrabida nga lang ang mga role ni Gladys, pero sina Kate at Mikee lang ang parang tandem na ganito ngayon.

Siyempre, mahaba-haba pa at marami pang kailangang patunayan sina Mikee at Kate kung magkakaroon din ba sila ng lasting power tulad nina Gladys at Juday.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s