Alden, may dahilan para maging masaya dahil sa ‘Victor Magtanggol’; balitang magso-sold out na ang concert

Ni:  Rose Garcia

MAY dahilan ang Pambansang Bae na si Alden Richards na maging masaya dahil sa kanyang primetime drama/action/fantaserye na Victor Magtanggol.

Bukod sa ito ang nangungunang primetime series in-terms of ratings sa Kapuso network, overwhelming para sa Kapuso actor ang magagandang feedback na natatanggap niya sa mga manonood.

At masasabing nararamdaman at nakikita ni Alden ito lalo na sa mga maiinit na pagtanggap sa kanya, gayundin sa ibang cast ng Victor Magtanggol katulad na lang ng huling provincial show nila sa Kadayawan Festival sa Davao City na talaga namang kilalang-kilala raw ng mga tao na si Victor Magtanggol at ang hero character niya na si Hammer Man.

Dahil dito, aminado si Alden nang maka-chat namin kung gaano siya mas lalong nai-inspire na mag-trabaho.  Sabi nga niya, iba raw talaga kapag isinisigaw ng tao at tinatawag siya sa mismong pangalan ng show.

alden-adrenaline

Ibig nga naman sabihin, kahit ilang Linggo pa lang sa ere ang V.M.,  iba na ang nagagawang marka nito sa mga manonood.  Mas nae-energize din si Alden sa magagandang feedback daw na nababasa at nakakarating sa kanya at sa production sa mga ipinapalabas nila gabi-gabi.

Mas lalo raw siyang ginaganahang mag-trabaho at pagandahin kada-eksenang isinu-shoot nila.

Alden has all the reasons to be happy.  Kahit ang concert niya sa September 21, ang Adrenaline Rush sa Kia Theater ay balita naming halos sold-out na ang ticket.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s