Gabby, excited na pero ayaw munang isiwalat ang bagong leading lady at teleserye

Ni: Ruel Mendoza

THANKFUL ang aktor na si Gabby Concepcion dahil sa kanyang edad ngayon na 53, nagagawang pang maipareha siya sa mga leading ladies na malaki ang agwat sa edad niya.

Tulad na lang nang pagtambal niya kina Carla Abellana sa Because of You at kina Sunshine Dizon at Ryza Cenon sa Ika-6 Na Utos.

Gayun pa man ay nagiging professional lang si Gabby at never naman daw naging issue ang maipareha siya sa mas batang leading lady.

“Young, old, middle-aged, I don’t care for as long as maganda ‘yung project, we work together, masaya siyang kasama,” simple at payak na sagot ng aktor.

Gabby-and-Carla

Kelan lang ay muling pumirma si Gabby ng exclusive contract with GMA-7 at looking forward ito sa bagong gagawin niyang teleserye.

Hindi nga muna isiniwalat ni Gabby kung ano ang project na iyon at sino ang bagong leading lady niya. Tiyak daw matutuwa ang marami dahil sa pagsasamahan nilang teleserye.

“Very visible siya. Gusto siya ng maraming tao at gusto ko rin siya makasama,” pagtatapos pa ni Gabby Concepcion.

gabby-ika-6-n-autos

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s