Donita, naka-move on na at nakabukas na muli ang puso

Ni: Nora V. Calderon

CELEBRITY Chef  na ang title ng actress na si Donita Rose, sa pagbabalik niya sa kanyang cooking show na Heart Mate Kitchen’s Season 2 Cooking Capsules na magsisimula na sa August 22 until October, 2018.

“I’m very excited nang malaman kong babalik ang show pero nabigla ako na ngayon na agad wala akong time na mag-prepare,” kuwento ni Donita sa mga entertainment press. “Mangiyak-ngiyak talaga ako, pero madali ko rin namang naihanda iyong 12 capsules na mga Filipino food, sa tulong ng Jolly Heart Mate Canola Oil.  Makakasama ko rito ang mga favorite Kapuso stars like ang slumber party meal for kids with Camille Prats, out-of-town baon food with Mikael Daez, post-work-out meal with Rocco Nacino, a dish to impress Jason Abalos’ grandparents, heart-healthy breakfast for Julie Anne San Jose, family-friendly dish for Zoren Legaspi’s kids, a movie dinner meal with Yasmien Kurdi.  Ang mga recipes na ipakikita namin, ay madali lamang ihanda at iluto.”

donita rose

Nakakatuwa naman na after a while, after ang hiwalayan nila ng dating husband, open na si Donita na pag-usapan ito dahil nakapag-usap na sila ng former husband niya. Ang anak nilang si JP ay nasa former husband niya kapag bakasyon sa school, like ngayon kababalik lamang ng anak from his dad.

Naka-move on na rin siya.  Kaya sa tanong kung open na ba muli ang puso niya na umibig, “yes bukas na ang puso ko.”

Mapapanood ang “Heart Mate Kitchen Season 2”  produced by GMA 7 and Jolly Heart Mate Canola Oil, during commercial gaps of “Unang Hirit” and “Wowowin” during weekdays and in “Sarap Diva” and “Kapuso Movie Festival” during weekends.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s