Sales ng ticket ng last concert ni Anne, itinangging mahina; malalaman kung nag-sold out

Ni:  Rose Garcia

NAKAUSAP namin ang taga-VIVA at pinabulaanan nito na mahina ang sales ng ticket ni Anne Curtis para sa kanyang ikatlo at last na raw na concert sa Araneta Coliseum, ang Anne Kulit:  Pramis, Last Na ‘To! na magaganap ngayong gabi.

Ganun daw yata talaga ang mga tagahanga ni Anne na talagang kapag mas malapit na ang date ng event, saka sila nagsisibili.  At malalaman nga ngayon kung sa ikatlo at huling concert niya, talagang sold-out at mapupuno pa rin ni Anne ang big dome.

Actually, napanood namin ang last two concerts ni Anne at talaga namang totoo sa madalas niyang sabihin, baliw-baliwan lang talaga ang concert, pero siguradong mag-eenjoy ang manonood at uuwi na masaya.

anne-kulit

Bongga naman ng line-up ng guests ni Anne with Aegis, Sarah Geronimo at Regine Velasquez na, sulit at nakaka-excite na kung ano ang gagawin nila with her.

“I guess, eventually it will lead to that.  Pero feeling ko, last na ‘to kasi, I’d rather concentrate in acting and hosting.  Igi-give-up ko na ang singing career.

“Last na ‘to, feeling ko, okey na ‘to!  Na-enjoy ko naman ng bongga-bongga.”

Natuwa lang si Anne na dahil din sa lakas ng loob niya, alam niyang maraming mga tao ang na-build din ang mga self-confidence at na-inspire dahil sa kanya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s