Myrtle, mas tipid ngayon na mag-share sa dini-date na non-showbiz guy

Ni:  Rose Garcia

KUMPARA dati, mas tipid na mag-share si Myrtle Sarrosa tungkol sa bago niyang lovelife.

Ang katwiran niya, non-showbiz naman daw kasi bukod pa sa mas focus daw siya talaga ngayon sa trabaho.

Bukod pa sa nasa “dating” stage pa rin naman daw sila ng non-showbiz guy. Natawa na lang si Myrtle nang hiritan ng press na ang tagal naman niyang ligawan.

“Mahirap akong ligawan, Ha ha ha!”

Mas gusto niya na non-showbiz na ang karelasyon?

“Mas gusto ko na ang non-showbiz. Siguro kasi hindi naman kailangan lahat sa buhay niyo isi-share sa lahat ng tao. Parang masyado ng complicated.

“Mas gusto ko yung non-showbiz kasi may natutunan ka sa ibang tao na mula naman sa ibang mundo, ibang set of friends din.”

Wala naman daw siyang reaksyon o komento sa ibang artista na nakabalandra sa socmed ang halos bawat galaw ng lovelife.

“Okay naman yun, para naman yun sa kanila or whatever comfortable sa kanila.

“Siguro ako, hindi muna ngayon. Hindi ko nakikita ang sarili ko na nagpu-post ng personal.”

mrtyle_sar

Okay nga ang career ni Myrtle ngayon na dalawang pelikula ang pinagbibidahan. Ipapalabas na ang Wander Bra niya at may ginagawa rin siya sa bago niyang kontrata sa Regal Films na siya rin ang bida.

“Pressure, pressure siya. Dalawang movies na ito na magli-lead ako pero thankful ako,” sey niya.

Bukod dito, si Myrtle pa rin ang endorser ng Sister’s Sanitary Napkin ng Megasoft. At noong Linggo, kahit na malakas ang ulan at maraming binahang lugar, ang dami pa rin nagpunta sa Sister’s Day sa Starmall Alabang.

“Sobrang grateful ko, actually lahat kami rito, sobrang grateful, sobrang saya na kahit umuulan, ang daming tao, ang daming nagpunta,” masayang sabi ni Myrtle na may 56 schools na ang napupuntahan dahil sa advocacy ng Megasoft na School is Cool Tours.

Sa September 12 naman, showing na ang pelikulang pinagbibidahan nila ni Kakai Bautista, ang Wander Bra sa direksiyon ni Joven Tan at under Blue Rocks Entertainment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s