Ogie, first time na magpi-perform kasama si Vice at tatlong anak

Ni:  Rose Garcia

ONE year long 30th anniversary celebration ang ginagawa ng Singer/Songwriter na si Ogie Alcasid at isa sa masasabing pinaka-highlight ng kanyang 30th anniversary ay ang OA: Ogie Alcasid sa August 24 sa Araneta Coliseum.

At sa totoo lang, isa si Ogie sa iilang local artists na masasabing successful ang career sa loob ng tatlong dekada. Sabi nga namin sa kanya, hindi lahat ng artists, na-achieved ang 30 years na visible, in-demand at relevant pa rin.

At sinegundahan din naman niya na totoo nga raw.

“Hindi ko rin namalayan, noong iniisa-isa ko ang mga kanta ko, sabi ko, ang dami ko na rin palang nagawa.  Tapos looking back, nakikita ko ang anak ko, kumakanta na. Panahon na nila.  Tapos, feeling mo, relevant ka pa rin.”

Ngayon nga raw, nagkaroon pa siya ng mga bagong fans na bata pa dahil sa You’re Face Sounds Familiar, ‘Tawag ng Tanghalan’ at Home Sweetie Home.  At recently nga, nagkaroon din daw siya ng millennial fans dahil naman sa Kuya Wes indie movie niya sa Cinemalaya.

At natatawang sabi niya, “siyempre, nandiyan din ang mga old fans who likes my music.”

ogie-alcasid (1)

Ang bongga ng line-up ng mga guests ni Ogie sa OA concert niya. Kaya sa tatlong dekada niya, para kay Ogie, ang magiging concert niyang ito raw siguro ang pinaka-best na sa lahat ng nagawa niya.

Nandiyan ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra.  First time niyang magpe-perform kasama ang tatlong anak na sina Leila, Sarah at Nate.  First time rin nilang magpe-perform ni Vice Ganda.

Throwback, celebration nga raw ang OA concert kasama pa ang ibang guest tulad nina Rey Valera, Michael V, Janno Gibbs, Yeng Constantino, Moira, Bansot Mee at ang misis at Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Tinanong nga namin si Ogie kung sa 30 years, pumasok sa isip niya na mag-quit, pero sey niya, never raw.  Napu-frustrate raw siya, pero never niyang inisip na tumigil.

In fact, wala rin sa bokubalaryo niya ang mag-retire. Hangga’t kaya raw niya, patuloy siyang gagawa ng kanta, magpe-perform at aarte.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s