Mark, sinulit na ang bakasyon sa UK para makasama si Aicelle at doon na nag-celebrate ng birthday

Ni: Ruel Mendoza

SINULIT ni GMA news correspondent Mark Zambrano ang kanyang bakasyon sa United Kingdom para makasama ang fiancee na si Aicelle Santos na kasalukuyang nasa tour ng U.K. at Ireland para sa musical na Miss Saigon.

Ginagampanan ni Aicelle ang role na Gigi Van Tranh sa naturang musical at kasama pa niya ang ilang mga Pinoy sa cast.

Sa U.K. na rin nag-celebrate ng kanyang birthday si Mark at super sweet ng mensahe na pinost ni Aicelle sa kanyang Instagram account:

“Happy birthday to the sweetest, kindest and most loving partner anyone could ask for. Thank you for being you mahal ko. May God grant you favor, grace and guidance in this new chapter of your life. Trust that I’ll be here, holding your hand always. Mahal na mahal po kita.❤️ @markzambrano @sweet.escape #SweetEscapeMoments

Makikita rin sa IG feed ni Aicelle ang ilang mga lugar na pinasyalan nila ni Mark sa Scotland tulas ng Edinburgh Castle at Loch Ness. Nilagyan lang ng simpleng caption ni Aicelle ang mga date photos nila ni Mark ng: “Date with my Prince @markzambrano 👑 🏰👑

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s