Kris, wala pang planong magpakasal at magbuntis

Ni: John Fontanilla

BONGGA ang Starstruck Alumni  na si Kris Bernal dahil sa 11 years niya sa showbiz, nakabili na siya ng bahay sa US na tinitirhan ngayon ng kanyang kapatid.

Bukod pa dito ang bagong negosyo nito ang na isang Korean Restaurant na House of Gogi.

At ang isang dahilan daw kung bakit nagkaroon ng bahay sa USA at mga negosyo si Kris ay dahil sa pagiging masinop nito sa pera, very honest na inamin nito na matipid  siya  kaya  nakapag-save siya ng malaking halaga ng pera na mula sa kanyang trabaho.

Tsika nga nito sa isang interview, “hindi naman ‘yung biglang dumami ang pera ko. Hindi nila alam na sobrang tipid ko.

“Ang dami kong tinipid at tiniis para lang mabili ko ‘yung bahay, mapatayo ko itong House of Gogi,”

At sa pagkakaroon ng negosyo ay hindi naman daw nito basta-basta tatalikuran ang pag-aartista lalo na’t dito daw galing ang kung ano man ang meron siya ngayon.

Katunayan nga daw ay meron siyang bagong serye sa GMA 7  ang Mag-asawa, Magkaribal kung saan magsasama sila ni Thea Tolentino.

Wala naman daw kinalaman ang chef-boyfriend-business partner niya sa paghinay-hinay sa showbiz. Wala siyang planong mag-asawa sa ngayon at hindi pa rin siya ready magpabuntis, huh!

“Hindi naman ako nagrereklamo na matagal akong nawalan ng series after ‘Impostora.’ Siguro, dumarating din ang time na parang nagsasawa ka na sa ginagawa mo!” diin ni Kris.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s