Alice, nag-sorry na rin kay Dingdong sa paggamit ng wedding photo nila ni Marian sa ‘Ang Probinsyano’

Ni: Ruel Mendoza

ANG aktres na si Alice Dixson na mismo ang humingi ng sorry sa Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa paggamit ng teleserye na FPJ’s Ang Probinsyano sa wedding photo nila ni Marian Rivera.

Nilagay kasi ang mukha ni Alice at Edu Manzano sa original wedding photo nila Dong at Marian na nakita sa isang eksena ng Ang Probinsyano.

“Hindi ko alam na picture nila yun. Alam ko na-photoshop yung picture ng face namin ni Edu sa isang picture ng mag-asawang ikinasal. But I don’t know anything about kung sino ‘yung pinalitan naming mukha. I hope there was no problem.

“Kahit naman ako masa-sadden ako. Pero ako, personally, I didn’t know that it was their photo.

“There was no trace of their faces or anything personal aside from siguro dun sa damit nila.”

dingdong dd

Si Alice daw ang nahiya sa pangyayari kaya nag-sorry siya in behalf of the people behind the show’s production.

“Humihingi ako ng paumanhin, Dong, if our production made a mistake like that. Kahit naman ako, if it was my wedding photo, ayoko naman gamitin ng ibang tao.

“If there’s other eksena na magagamit yun, I’ll make sure na they’ll do something about it,” paniniguro pa ni Alice.

Nagpadala na ng kanyang letter si Dingdong sa produksyon ng FPJ’s Ang Probinsyano dahil sa paggamit ng photos nila ni Marian na wala man lang paalam. Nakaka-offend daw kasi sa kanila at pati na sa photographer ng photos nila.

Umaasa ang aktor na hindi na raw mauulit ang ginawa nilang ito. (Na agad naman nag-apologize ang taga-Ang Probinsyano sa pamamagitan ng isang official statement).

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s