Wil at Alodia, nag-post ng magandang mensahe para sa kanilang first anniversary

Ni: Ruel Mendoza

NAG-CELEBRATE ng kanilang first anniversary ang magkarelasyon na sina Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao.

Nabunyag ang relasyon ng Fil-American vlogger at former PBB housemate na si Wil at ng cosplayer na si Alodia noong nakaraang taon nang ma-confine si Wil sa isang ospital sa Amerika dahil sa sakit na colon cancer.

Si Alodia ang nakasama ni Wil habang dumaan ito sa nine cycles of chemotherapy at sa isang major surgery.

Documented ang lahat ng pinagdaanan ni Wil hanggang sa maging cancer-free na siya.

Malaking bahagi raw ng kanyang pagiging matatag at hindi nawalan ng pag-asa ay ang pagmamahal at suporta ng kanyang pamilya at mga kaibigan, lalo na ng kanyang girlfriend na si Alodia.

Kaya noong mag-celebrate sila ng kanilang first year anniversary, nag-post ng magandang mensahe si Wil for Alodia sa kanyang Instagram account:

“So this is what it feels like to have a shower 😅 too many months in the editing cave had me looking like some Survivor type ish! At last, I finally decided to clean up… ey but real talk Ive been comfy af she just went Wednesday Adams on my a$$ and demanded me to look nice for once for a photo 😅 peace po ms @alodia ✌🏼clout out to my boy Eddie for that 1$🔥haircut u guys dig it? Happy 1 year beb labyu! ❤️❤️❤️,” caption ni Wil.

Nag-post din si Alodia ng isang sweet na mensahe para kay Wil sa IG: “It’s been one crazy year but we made it through… We made it through not being in the worst dressed list!😬 Jk! @wil_dasovich Thank you for the surprise and remembering this day.. Happy 1 year, beb! I ❤️ u”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s