Short film nina Sylvia at Arjo, nag-world premiere sa ‘Toronto International Film Festival’; Beautéderm branches parami nang parami

Ni: Rohn Romulo

NAKAKATUWA naman ang bagong kaganapan sa mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde, dahil ang tahimik nilang ginawa na short film kasama sina Angeli Bayani at Chai Fonacier ay unang napanood sa 2018 Toronto International Film Festival (TIFF).

Sa post ni Sylvia last week sa kanyang Facebook account, “Our short film is having its world premiere at Toronto International Film Festival TIFF – Baga’t Diri Tuhay T’at Pamaungpahung (THE IMMINENT IMMANENT) by Carlo Francisco Manatad.”

Produce ito ng A Globe Studios, Cinematografica, Plan C production. In association with CMB Film Services, Inc., AAND, KINO produzioni and Kamias Overground.

Naikuwento na ito ni Ibyang na may gagawin sila ni Arjo may kinalaman sa bagyong Yolanda at ipanlalaban sa mga international filmfest at natuloy na nga dahil pasok sila sa TIFF.

Bukod dito may aabangan din ang kanyang fans, dahil for the first time ay nag-dub siya para sa Anime series na Barangay 143 na ipalalabas sa October sa GMA-7.

Habang naghihintay ng next projects sa TV at pelikula na malamang next year, busy muna siya sa pagsuporta sa opening ng new Beautederm branches sa Metro Manila dahil isa siya sa endorsers, katulad ng anak na si Arjo na nakatoka naman sa  perfumes, kaya kailangang nandoon sila.

sylvia-beautederm

Kabubukas lang ng 25th store ni Rhea Ramos Anicoche-Tan, ang CEO at Presidente ng Beautéderm na nagsi-celebrate ng ika-siyam na taon.

Matatagpuan ang Skinfrolic by Beautéderm sa 63 President Avenue, Commercial Center BF Homes, Parañaque City.

Last August 8, nagbukas naman ang 24th store na tinawag na Beautéfinds by Beautéderm sa matatagpuan naman sa Unit 307 TNA Building Number 17, Jose Abad Santos St., Barangay Little Baguio, San Juan. Soon, magkakaroon na rin ng Beautéderm kiosk sa mga malls.

beutederm-25th

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s