Ken, aminadong pagod na sa pagsagot sa tungkol sa ‘gay issue’

Ni: Ruel Mendoza

PAGOD na raw ang Kapuso actor na si Ken Chan sa pagsagot tungkol sa gay issue sa kanya.

Tuwing may bagong project daw siya, parating ang tsismis tungkol sa kanyang sexuality ang nagiging tanong sa kanya, maging ang ilang mga netizen ay ang pagiging beki ang dinidiin sa kanya.

Kaya para raw matapos na ang gay issue sa kanya, naghahanap na raw ito ng magiging girlfriend niya.

ken chan

Pero naisip din ni Ken na kung sapat na ba ang magkaroon siya ng girlfriend para tumigil na ang pamba-bash sa kanya?

“I’m thinking na maghanap na nga ako ng gilfriend para matigil na sila, but I don’t want to do that just to satisfy my bashers.

“Magkaroon man ako, pagdududahan nila. Kapag wala ka namang girlfriend, kukuwestiyunin ka nila. So saan ba ako talaga lulugar?

“Kaya ang magandang option, huwag mo na lang pansinin siguro. Basta confident ka sa pagkatao mo, kung ano pa ang sabihin nila won’t matter,” diin pa ni Ken na magbibida sa bagong GMA teleserye na My Special Tatay.

Three years ago pa raw noong magkaroon ng serious relationship si Ken. Naghiwalay daw sila ng girl dahil naging priority ng aktor ang kanyang career.

“My last girlfriend was a non-showbiz girl at nag-break kami when I got so busy doing ‘Destiny ‘ and later, ‘Meant to Be.’

“Napabayaan ko kasi siya. Wala akong time. Puro work lang.

“So ayokong maulit ‘yun kasi right after ‘The Cure’, GMA said may isa pa akong assignment.

“Nasaktan din ako noong naghiwalay kami. Pero may mga dapat tayong isakrispisyo sa buhay, ‘di ba?” emote pa ni Ken.

Sa role niya bilang mentally-challenged father sa My Special Tatay, itatambal siya kay Arra San Agustin na una niyang nakatambal sa The Cure.

“Nagkaroon kasi kami ng fanbase noong magtambal kami sa ‘The Cure.’ Nagustuhan nila ang chemistry namin ni Arra kaya heto, pinagsama ulit kami,” ngiti pa ni Ken na nakipag-immerse pa sa mga mentally-challenged patients para lalo niyang maintindihan ang role niya sa My Special Tatay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s