Kean at Chynna, may sarili ng recording label na magki-cater sa unheard, underground, underdog at underrated artists

Ni:  Rose Garcia

NAGSIMULA sa pagma-manage ng ilang artist hanggang finally, may sarili ng label si Kean Cipriano at ang misis niya na si Chynna Ortaleza, ang OC Records.

Na ayon kay Kean, equal partner sila ni Boss Vic del Rosario.

Nilinaw nga ni Kean na, “Equal, as in half kami sa company ni Boss Vic. It’s not sub-label of VIVA.  Magki-cater kami of artists that are unheard, underground, underdog, underrated artists.”

Bilang artist siya, gusto raw niyang makipag-work sa mga artists na hindi kino-compromise ang work nila.

Pero at the same time, they’re records label na hindi naka-box. They’re also open to anything. Any genre and any artists as long as alam nilang maganda yung arts na inilalabas nito.

Matagal na raw niyang gustong may maiambag sa music industry at ang pagkakaroon ng OC Records, last year lang daw niya ito na-realized gawin at masaya siya na pagdating ng araw, ma-immortalize ang mga kanta nila, may naibigay silang iba-ibang putahe.

cean c

Napanood at napakinggan naming mag-perform ang mga artists nila na ipinakilala formally sa launching ng OC Records.  At doon namin mas lalong naintindihan kung bakit pinasok nina Kean at Chynna ang recording label business.

Ang gagaling lahat ng mga “indie” musicians na sina Rice Lucido, Earl Generao, Frizzle Anne at ang grupong Bita & The Botflies na instantly, naging fan yata kami ng music nila.

Given na ang husay ni Unique (formerly of IV of Spades) na halos ayaw patigilin ng ilang press at mga bisita ng OC Records nu’ng press launch pa lang sa pag-perform.

Kitang-kita namin ang passion ng mag-asawa sa bago nilang “baby” na ang isa sa major event ng OC Records ay magaganap na sa September 29 at the KIA Theatre for Unique’s Grandma Concert Tour.

Well, nakaka-inspire sina Kean at Chynna at sabi nga namin, ang sarap tulungan dahil parang advocacy na rin ang itinayo nilang label para sa mga unheard and underrated artists na magkaroon ng mas malaking pagkakataon sa music industry.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s