‘Ang Probinsyano’, nag-apologize na sa maling paggamit ng mga larawan ng pamilya Dantes

Ni: Rohn Romulo

MATAPOS na magbigay ng reaksyon ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes tungkol sa walang paalam na pag-edit ng wedding photo nila ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at gamitin bilang props sa top-rating primetime series ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Nakarating na nga sa ABS-CBN management ang pinadalang letter ni Dingdong bilang aksyon niya sa kanilang loyal fans ni Marian na nakakita at  nag-screenshot at nag-tag sa mag-asawa.

Last year pa pala unang nagamit ang baptismal photo ni Zia, na  kung saan inedit din ang mag-asawa pero nakalimutan nilang palitan ang mukha ni Zia, na labis na ikinagalit ng mga fans, pati ng mga netizen, dahil may mali talaga, tapos naulit pa.

dingdong d3

Nag-post nga si Dingdong sa kanyang Facebook account ng mahabang official statement niya at sinabi na may legal at moral rights daw na na-violate sa nangyari.

Mabuti naman at mabilis ang Kapamilya sa pagbibigay ng opinion tungkol sa pinag-uusapang isyu.

Ayon sa kanilang official statement: “’FPJ’s Ang Probinsyano’ apologizes to Dingdong Dantes and his family and assures that there was no intent to disrespect or offend him and his family in the use of their photos in the program.

“The production team commissioned a third-party contractor to create the photo props used in the program. It was not aware that the original of the photographs used were those from Mr. Dantes’ wedding and the baptism of his daughter. The program is conducting further investigation to prevent a similar incident from happening in the future.”

Hinihintay din ng netizen kung ano ang magiging reaksyon ni Coco sa kapalpakan ng nasa props department na wala siyang kaalam-alam.

Wait din namin kung sasagot  pa si Dingdong matapos na mag-apologize ang Kapamilya network.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s