Sharon at Richard, muling magsasama sa pelikula pagkalipas ng labing-limang taon; Kathryn, gaganap na anak nila

Ni: Rohn Romulo

FINALLY, nakapili na ang Star Cinema ng leading man para sa upcoming movie ni Megastar Sharon Cuneta na may titulong Three Words To Forever.

Marami nga ang natuwa sa pagbabalik-tambalan nina Sharon at Richard Gomez na huling nagkasama sa Walang Kapalit ng Viva Films noong 2003.

richard sharon

Sa naganap na story conference na ginanap last Sunday sa Star Cinema Office,  sobra ngang excited ni Sharon sa muli nilang pagtatambal ni Richard.

“I’m very happy, very excited,” sabi ni Sharon.

“It’s been fifteen years since our last project together.”

Parang napaka-timely ang pagsasamang ito nina Sharon at Richard, dahil sa taong din ito ang kanilang 30th anniversary bilang magka-loveteam, ang una nilang pelikula ay ang Buy One Take One noong 1988.

Sabi pa ni Mega, “So this is the 30th anniversary of our love team so nakakatuwa. And of course, it adds another hundred percent sa excitement because it’s our first time to be working with Kathryn (Bernardo).

And another 100%, if I’m allowed because one of my favorite directors and best friends is directing us.

Muling nagkasama noon sina Shawie at Goma sa madramang Kahit Wala Ka Na noong 1989 sa direksyon ni Emmanuel H. Borlaza.

Nasundan ito ng Ngayon at Kailanman noong 1992, Kapantay Ay Langit noong 1994 na parehong dinirek ni Joel Lamangan,  mula lahat ito sa Viva Films.

Muli silang pinagtambal sa 2000 Star Cinema movie na Minsan Minahal Kita na dinirek ni Olivia M. Lamasan. At huli nga nila ang Walang Kapalit na si Direk Joel muli ang naging direktor.

Ayon naman kay Richard ang pelikula ay tatalakay tungkol sa pamilya.

“It’s a story about a family. It’s basically a love story. It’s a story of three generations, three families, three marriages,” sabi ni Richard na Mayor na ngayon ng Ormoc City.

Si Kathryn naman ang gaganap na anak nina Richard at Sharon at first time niya na hindi makakasama si Daniel Padilla.

shachard-minsan mk-2000

“Malaking adjustment para sa’kin. For the past six or seven years, I’m with DJ and parang break namin na project ‘to muna for the meantime.       “I’m very lucky na ‘yung project na ‘to with Ms. Sharon and Sir Richard pa. So nandiyan sila to guide me of course. Mixed emotions po. I’m very excited sa bagong adventure na ‘to para sa’kin,” pahayag naman ni Kathryn na muling maidi-direk ni Cathy Garcia-Molina na first time niyang nakatrabaho sa She’s Dating A Gangster, na kung saan nagkaroon ng special participation si Richard.

First time namang nakatrabaho ni Sharon si Direk Cathy sa blockbuster film na Unexpectedly Yours last year na balik-tambalan naman nila ni Robin Padilla. (photos

Ang Three Words To Forever ay naka-set na ang playdate na malamang sa last Wednesday uli ng November, na sinasabing isa sa pinakamagandang playdate bago ang inaabangan at taunang Metro Manila Film Festival. (photos: CTTO)

shachard-walangkapalit-2003

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s