Jairus, ‘di nakararamdam nang kahit ano mang inggit kina Nash at Joshua

Ni:  Rose Garcia

NAGULAT kami na matagal-tagal na rin pala ang huling serye na nagawa ni Jairus Aquino.

Though, si Jairus ang isa rin sa mahusay na young actor ng Kapamilya network.

Still, a Star Magic contract artist, hindi raw niya masasabing okey siya na wala siyang masyadong proyekto maliban sa ilang guestings. His last was Langit Lupa, pero hindi raw kasi siya yung tipo ng artistang ipipilit ang sarili o magde-demand.

In a way, positibo rin ang disposiyon ni Jairus na hindi raw talaga siya nakararamdam ng kahit na anong inggit sa ibang kasabayan niya halos na Kapamilya stars na nabibigyan naman ng magagandang breaks. Ilan sa mga ito ay si Nash Aguas at ngayon nga, though mas nauna siya, si Joshua Garcia naman.

IMG_6633 copy

Katwiran ni Jairus, masaya talaga siya para sa mga ito na magagandang break ang natatanggap.  Sa part niya raw kasi, ayaw niya rin naman na magpailalim na lang siya sa showbiz na dito na lang iikot ang buhay niya.  Thankful lang daw siya kapag may mga bagong opportunites din na dumarating sa kanya.

Tulad na lang nga ng pelikulang Petmalu kunsaan, kasama niya rin ang mga Kapamilya stars tulad nina Diego Loyzaga, Marlo Mortel, Michelle Vito, Vitto Marquez, Brian Gazmen, Charles Kieron, Karen Reyes at Vivoree Escuto.

Nag-enjoy raw siya na ginawa ang movie na pang-barkada talaga at makikita ang mga pinagdadaanan ng mga kabataan ngayon.

Ikalawang beses na rin siyang naidi-direk ni Joven Tan, una sa Impossible Dream na kunsaan, naa-appreciate niya ang director nila dahil binibigyan din daw sila ng freedom to attack their characters.

Ang Petmalu ay showing na sa September 5.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s