‘Bakwit Boys,’ very inspiring at pawang mahuhusay ang mga bida

Ni: Ricky Calderon

NAG-ENJOY kami sa Bakwit Boys, dinirek ni Jason Paul Laxamana at prinodyus ng T-Rex Entertainment.

Mahusay ang apat na bida na sina Vance Larena, Nikko Natividad, Ryle Santiago, at Mackie Empuerto, pati ang lone female lead na si Devon Seron.

Mahusay din ang suportang ibinigay ng veteran actor na si Nanding Josef.

Maganda ang kwento ng apat na magkakapatid na may ambisyong sumikat bilang mga musicians. Inspiring ang kwento. Isa mga linyang tumatak sa amin ay “Mapagod kang umasa pero huwag kang mapagod mangarap.” Pursue your dreams, whatever it takes, no matter the obstacles.

bakwit boys

Very inspiring ang pelikula. Tiyak na marami ang makaka-relate sa kwento ng magkakapatid. Direk Jason has definitely another ace up his sleeve.

Ang pakiusap niya sa manonood, suportahan ang Bakwit Boys kasi mga baguhan ang bida rito.

The Day After Valentine’s is Direk Jason’s other movie na kasali sa PPP, na bida sina Bela Padilla at JC Santos. Pero sabi ni Direk Jason, subok na ang tambalan nina Bela at JC dahil blockbuster ang 100 Tula Para Kay Stella last year sa PPP. Kaya confident siya na kikita ito.

Kaya ang ipinapakiusap niya sa audience ay unang panoorin ang Bakwit Boys.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s