Mall show ni Tori Garcia, patok sa mga bata

Ni: Throy Catan

TINANGKILIK ng audience ang kaunaunahang mall show ni Tori Garcia na pinamagatang Tori Garcia: #MayPaTshirtSiAteToriParaSaMgaBata Mall Show na ginanap sa Ayala Pavilion Mall sa Biñan, Laguna, last Sunday, Agosto 12.

Pero bago mag-perform si Tori, naaliw ang audience sa host na sina Bruno Mar at VR Relosa. Maraming natuwa sa mga joke ni Bruno Mar, at sa kagwapuan at galing sa pagkanta ni VR Relosa.

Ang unang performer ay si Paul Lester. Parang hinaharanahan ang audience habang kinakanta niya ang Perfect Stranger at Buko.

Hindi nagpaawat sa biritan si Jennelyn Gagajena. Nakatanggap ng masigabong palakpakan ang dalaga pagkatapos kantahin ang Isang Lahi.

Sweet naman ang performance ni Ara Altamira. Kinanta niya ang kantang Chinito habang kasama niya ang masuwerteng “chinito” from the audience.

Hindi naman nagpatalo ang main act na si Tori Garcia. Humanga ang audience sa kanyang stage presence at ang kanyang angking galing sa pagkanta. Sa kalagitnaan ng kanyang pagtatanghal, namigay si Tori ng pink shirt para sa mga bata. Kaya pink shirt dahil paborito ni Tori ang color pink.

Sinabi ni Tori kung bakit ang pet niyang pusa ang nakalagay sa shirt instead ang kanyang mukha, “Ang nakalagay sa shirt ay ang pet kong pusa. I-consider my pet my personal guardian angel. Gusto ko rin na may personal na guardian angel ang mga kids.” Sabi ni Ate Tori.

Ang huling act naman ay si Josh Yape at kinanta ang kanyang bagong singles, at sikat na kanta noon.

Overall, naging successful ang mall show ni Tori Garcia. Abangan ang susunod na mall tour ni Tori. Para mapanood si Ate Tori live at makatanggap ng free shirts for kids, bisitahin ang official Facebook page ni Tori Garcia.

38658567_507144549707433_2905753127607074816_n

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s