John, ‘di naitago ang saya sa kanyang directorial debut; Neil, pagnanasaan ng mga beki

Ni: Ruel Mendoza

HINDI naitago ni John “Sweet” Lapus ang happiness niya nang makapagsimula na ito sa first shooting day ng kanyang directorial debut na Pang MKK.

Isa sa official entries ng Cinema One Originals 2018 ang Pang MKK na si Sweet din ang nagsulat ng script.

Sa kanyang Instagram ay pinost niya ang mga naganap sa first shooting day bilang isang director: “#Day212 is #PangMMK first shooting day nyo #DearSweet 👏🎊🎉 Naging maayos naman ang kabuuan at napaka galing ng mga artista mo at masipag ang staff at crew mo. Dumalaw pa ang mga #SweetFriends mo at nagdala ng pagkain. Idasal mo lang ang mga aberya at kulang dahil malakas ka kay Lord 🙏🙏🙏 #MightAsWell #TheUniversalSweetSaga #LabanSweet #Sweet8″

“Nakakapagod at nakaka-tense, pero gusto ko ‘yung natsa-challenge ako. Kaya fight lang tayo para sa ekonomiya.

“I’m just so happy na ang ganda ng cast ko. Magagaling lahat.

“Wala akong masabi. Parang hindi ako makapaniwala na this is it, may dinidirek na akong movie,” diin pa ni Sweet.

Ang kuwento ng Pang MMK ay continuation ng isang episode ng top-rating ABS-CBN 2 drama anthology na Maalaala Mo Kaya na may titulong “Origami” noong 1999. Mga nagbida rito ay sina Alwyn Uytingco, Nikki Valdez, Cherry Pie Picache at Joel Torre.

Napagsama ulit ni Sweet ang original cast except for Alwyn Uytingco na bida sa isa pang entry ng Cinema One Originals. Dinagdag naman sa cast si Ricky Davao at Zeppi Borromeo.

Ang TV-film-commercial actor na si Neil Coleta ang napiling kapalit ni Alwyn.

“Napakahusay ni Neil! I’m so happy na pumayag siya na ako ang magdirek ng first lead role niya sa movie. It’s his time to shine!” masayang balita ni Sweet.

Pagnanasaan daw ng maraming beki si Neil sa directorial debut ni Sweet dahil meron itong bed scene at wala raw itong takot na maghubad agad-agad!

“Napaka-professional. Iyak, tawa, hubad at bed scene ginawa niya lahat! Kaya abangan nila dahil magiging pantasya ng maraming beki si Neil Coleta sa movie namin,” paniguro pa ni Sweet.

Isa pang ikinatuwa ni Sweet ay ang special appearance ng host ng MMK na si Ms. Charo Santos-Concio.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s