Jo Berry, puring-puri nina Nora at Cherie dahil parang beterana kung umarte

Ni: Rose Garcia

PALABAN pero puno ng pagmamahal, ito ang karakter ni Onay sa Kapuso primetime series na Onanay.

Ang gumaganap sa karakter na ito ay ang baguhang si Jo Berry, pero ayon sa mga katrabaho niya ay para na siyang beterana kung ipakita ang kanyang mga emosyon.

In fairness, mula kay Cherie Gil hanggang kay Superstar Nora Aunor,  puro papuri ang nakukuha niya sa mga ito.

Cherie Gil

Pero ang maganda kay Jo at sana ay huwag namang maging dahilan para ikalaki ng ulo niya, sa rami ng mga natatanggap niyang compliment, nanatiling humble si Jo kaya naman lubos ang pasasalamat niya sa kanyang mga acting coach.

Kabilang dito ang gumanap na Black Lady sa Kambal, Karibal na si Roence Santos, ang assistant director ng Onanay na si Jo Macasa at dating aktres na si Anne Villegas.

Kalakip ng mga selfie kasama ang acting coach ay ang maramdaming pasasalamat ng baguhang aktres sa kanyang mga mentors.

Aniya, “To ate @roence, ate @jomacasa and ate @annevillegas thank you very much po sa matiyagang pagtuturo sa’kin! Literal na hindi ko po alam ang gagawin kung wala kayo!”

Nora Aunor (2)

Nakita rin namin sa post naman ng isa sa mga bosses ng GM-7 na si Ms. Lilybeth Rasonable na kasama nila ang kapatid ni Jo na lalaki na katulad din niya at ang kanyang ina. Sa mga magulang ni Jo, ang tatay niya ang midget.

Puring-puri rin si Jo ni Ms. Lilybeth.  At lalo na ngayong bongga ito dahil sa consistent na mataas ang rating ng serye sa pilot week pa lang nito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s