Andi, may bago na namang boyfriend na isang surfer na nakilala sa Siargao

Ni: Ruel Mendoza

HOW true na may bagong boyfriend na ulit ang aktres na si Andi Eigenmann?

Noong nakaraang June lamang nakipag-break si Andi sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Emilio Arambulo. Kelan lang ay may pinost ang isang netizen sa kanyang Instagram account na may kayakap si Andie na isang masculadong morenong lalake.

Ayon sa numerous sources, isang surfer daw ang bagong boyfriend na ito ni Andi na nakilala siya sa Siargao.

Base sa matamis na ngiti ni Andi sa photo, mukhang happy ito sa bago niyang surfer boylet na wala pang nakakalam kung ano ang pangalan.

Nilagyan ng IG user na si @chepoxz ng caption ang photo ni Andi at ng lalake nito na: “Days like this pono nan kalipay”, na ang ibig sabihin ay “full of happiness”.

andi e

Malamang na ang pareho nilang hilig sa sport na surfing ang siyang nagpalapit sa kanilang dalawa.

Sa Baler, Aurora na nga raw halos nakatira si Andi pagkatapos nitong maging semi-active showbiz at doon na ito natutong mag-surfing.

Nakuwento pa noon ni Andi na binenta na niya ang ilang mga possessions niya tulad ng mga damit, sapatos, designer bags, jewelries at pati na ang kanyang sasakyan dahil gusto niya ng simpleng buhay na lang.

Sa katunayan ay nagku-commute via bus si Andi mula Baler to Manila and vice-versa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s