Vance, dream na maging lawyer pero desidido nang maging full time actor

Ni: Ricky Calderon

MASAYA si Vance Larena dahil nabigyan siya nang pagkakataon na maging bida sa pelikula via Bakwit Boys ng T-Rex Entertainment.

Very thankful si Vance sa break na ipinagkatiwala sa kanya ng T-Rex at ni Direk Jason Paul Laxamana para mapabilang sa cast ng Bakwit Boys, isa sa official entries sa forthcoming Pista ng Pelikulang Pilipino from August 15 to 21.

Nagsimula si Vance ng kanyang acting career bilang stage actor. Nag-join siya ng acting workshop ng Philippine Stagers at nakagawa rin ng ilang palabas rito. Ngayon ay isa na siyang contract star ng T-Rex Entertainment.

BakwitBoys

Dati ay dream ni Vance na maging abogado. In fact, nasa Law School na siya when he was offered a role in Bar Boys. Then came the offer from T-Rex na maging bahagi ng Bakwit Boys together with Devon Seron, Ryle Santiago, Nikko Natividad at Mackie Empuerto.

Ngayon ay talagang desidido na si Vance na maging isang full time actor and make a name for himself in showbiz.

Sa Bakwit Boys ay ginagampanan ni Vance ng role ng kuya nina Nikko, Ryle at Mackie. Pangarap nilang maging singers at si Devon ang tumulong sa kanila para tuparin ang pangarap na ito.

“Nag-audition ako for this role at hindi ko inaasahan na magiging bida ako sa movie. Thankful ako sa pagkapili sa akin ni Direk Jason Paul Laxamana dahil aside from acting ay nabigyan rin ako nang chance na kumanta,” sabi ni Vance.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s