‘Sharon Cuneta Network’, inilunsad na at magpi-feature ng one-of-a-kind webisodes

Ni:  Rohn Romulo

BILANG bahagi ng isang taong selebrasyon ng kanyang ika-40 na anibersaryo sa showbiz, na papunta sa isang engrandeng, major concert na pinamagatang My 40 Years, Sharon ngayong darating na Setyembre 28 sa Araneta Coliseum, inilunsad ni Sharon Cuneta ang SharonCunetaNetwork, na opisyal na pinagsasamasama ang pinakabagong niyang mga online platforms sa Facebook, Twitter, Instagram, at YouTube.

Nagbibigay ang SharonCunetaNetwork ng eksklusibo at orihinal na content tungkol sa lahat ng mga bagay ukol sa Megastar sapagkat pinagsasamasama nito ang iba’t-ibang aspeto sa karera ni Sharon mula sa pelikula, telebisyon, musika, live performances, at endorsements at pati na rin ang makulay at nakaka-inspire niyang personal na buhay bilang isang ina, asawa, sister, and friend.

Sharon Cuneta 1

Sa Facebook, ang kanyang pinakabagong opisyal na handle ay SharonCunetaNetwork; sa Twitter naman, ito ay @SharonCunetaNet; sa Instagram ito ay @SharonCunetaNetwork; at Sharon Cuneta Network naman ito sa YouTube.

Ang lahat ng ito ay karagdagang mga platforms na lalong palalakasin ang mga personal na social media accounts ni Sharon na kinabibilangan ng kanyang verified Sharon Cuneta Facebook Page na may humigit sa 1 milyung mga followers; ang kanyang @sharon_cuenta12 Twitter account na mayroong 1 milyung mga followers; at ang kanyang @reallysharoncuneta Instagram account na may humigit sa 631,000 mga followers.

Lahat ng mga platforms sa SharonCunetaNetwork ay magdadala sa kanyang patented na pirma at lahat ng ito ang magiging opisyal na online source ng lahat ng mga impormasyon at updates tungkol sa Megastar, isang bagay na tiyak na kapapanabikan ng di mabilang at mga loyal na Sharonians.   Ang mga platforms na ito ay siyang magiging dahilan upang lalong maipakilala si Sharon at ang kanyang kamangha-manghang body of work na sinasakip ang apat na matatagumpay na dekada sa bagong henerasyon ng mga mga tagahangga na kinikilala siya at iniidolo bilang isa sa mga stellar judges ng top-rating singing and impersonation competition ng ABS-CBN na Your Face Sounds Familiar; bilang isa sa mga powerhouse coaches ng The Voice of the Philippines sa tatlo sa mga matatagumpay na seasons nito; at bilang isa sa mga bida ng blockbuster hit ng Star Cinema, ang romantic-comedy na Unexpectedly Yours; at bilang isang high profile endorser ng malalaking brands tulad ng McDonald’s, Petron at Magnolia Chicken 3-Way.

sharon-my40

Bilang paunang offering, ipi-feature ng SharonCunetaNetwork ang mga one-of-a-kind webisodes na magpapakita ng iba’t-ibang aspeto ng karera at personal na buhay ni Sharon. Kasama dito ang kanyang kapana-panabik na paglalakbay patungo sa landmark event na My 40 Years, Sharon – na itinuturing na isa sa mga pinaka-hihintay at pinaka-engrandeng musical at industry events ng taon kung saan sina Louie Ocampo, Mell Villena, at Ryan Cayabyab ang mga musical directors at sina Zsa Zsa Padilla, Kuh Ledesma, Regine Velasquez, Martin Nievera, Basil Valdez, at Gary Valenciano ang mga espesyal na panauhin.

Ang My 40 Years, Sharon ay presented ng San Miguel Corporation, sa pakikipagtulungan ng Petron, Magnolia Chicken 3-Way, Philippine Airlines, McDonalds at The Aivee Group, kasama ang mga media partners tulad ng The Philippine Star, Business World, People’s Journal at People’s Tonight, at sa suporta ng Fernando’s Bakery at Leylam Philippines.

I-like ang SharonCunetaNetwork sa Facebook, sundan ang @SharonCunetaNet sa Twitter, sundan ang @SharonCunetaNetwork sa Instagram, at mag-subscribe sa Sharon Cuneta Network sa YouTube.

Para sa mga tickets sa My 40 Years, Sharon tumawag sa 552-7473, 815-1953, at sa TicketNet sa 911-5555 o bisitahin ang www.ticketnet.com.ph.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s