Anne, nakaranas din nang matinding depression sa ‘di mabanggit na dahilan

Ni: Ricky Calderon

GUSTO lang maging honest ni Anne Curtis nang aminin niya sa presscon ng kanyang 21st anniversary concert titled AnneKulit (Promise, Last Na ‘To) na she also suffered depression.

Pero hindi na binanggit ni Anne ang naging dahilan ng nito pero she hinted may kinalaman ito sa bad press habang she was going through something very, very tough.
Pakiramdam raw ni Anne that time ay ayaw niyang humarap sa mga tao. Sobrang sama raw kasi nang kanyang naging karanasan.

Pero feeling victorious naman si Anne these days dahil pinag-usapan ang kanyang latest movie, ang BuyBust, mula sa Viva Films.

Ang humingi ng tulong sa pamilya, sa mga kaibigan or mag-seek ng medical advice ang mungkahi ni Anne kung sakaling makaramdam ng sobrang depression. Masuwerte raw siya dahila matindi ang kanyang support system kaya nalampasan niya ang matinding pagsubok.

Noong time na depressed siya ay hindi muna naging active si Anne sa social media. Lahat ng mga bagay o tao na sa tingin niya will add up to her depression ay iniwasan muna niyang makasama.

Sabi pa ni Anne, malaking tulong ang magagawa nang professional help para makabawi sa matinding depression.

anne-kulit

Pero bahagi na raw iyon nang kanyang nakaraan. Ngayon ay super happy na ang TV-host cum action star dahil gumanda na muli ang kanyang career.

Bukod sa kumita ang last two movies niya na Sid & Aya, and Buy Bust, super excited si Anne na magbalik sa concert stage sa August 18 via AnneKulit sa Smart Araneta Coliseum kung saan makaka-jamming niya sina Regine Velasquez, Sarah Geronimo, Aegis, Ex Battalion at James Reid.

Ayon sa chika, sold out na raw ang VIP tickets.
Promise ni Anne na huling concert na raw niya ito after doing Annebisyosa at Annekapal dahil gusto na niyang i-focus ang kanyang attention sa acting, hosting (ng It’s Showtime) at pagiging misis ng celebrity chef na si Erwan Heussaff.

Produced ng Viva Live ang concert which has Dream Machine Philippines as beneficiary. Para sa ticket inquiries, maaring tumawag sa Ticketnet, 911-5555 o kaya’y sa Viva Live, 687-7236 para sa tickets.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s