Catriona, early favorite sa ‘Miss Universe’; isusuot na national costume, panggulat

Ni: Ruel Mendoza

NAKIPAG-COLLABORATE si Miss Universe Philippines 2018 Catriona Gary sa kanyang designer na gagawa ng isusuot niyang national costume at evening gown sa Miss Universe 2018 sa Bangkok, Thailand sa December 17, 2018.

Naitsika ni Cat na ang kanyang evening gown ay inspired sa mga Filipiana costumes. Ang kanyang national costume naman daw ay isang panggulat dahil makikita sa naturang costume ang kagandahan ng Pilipinas.

Ayon pa sa beauty queen: “It would be the first time that a costume like that will be worn on Miss Universe.”

After na ma-announce na sa Thailand gagawin ang Miss Universe, natuwa si Cat dahil isa sa paborito niyang puntahan na bansa ang Thailand dahil sa preserved culture nito.

catriona-gray

Ang nakakatuwa pa raw, tulad ng Pilipinas, adik din daw sa beauty pageants ang mga tao roon. Noong ginanap sa Pilipinas ang Miss Universe 2017, ilang grupo ng Thai fans ng Miss Universe ang dumating sa bansa para makapanood ng live sa MOA Arena.

“I think it’s a great venue. They are pageant fans like us, and their culture is so beautiful, diverse and rich.

“It would be nice to experience and to explore that as a candidate, with the rest of my Miss Universe sisters. Plus malapit lang here in the Philippines,” sey ni Cat.

Early favorite nga raw si Cat sa naturang competition. May mga gumawa na ng mga surveys online na mula sa iba’t ibang pageant enthusiasts at websites at laging nakakasama si Miss Philippines sa Top 10 favorites.

“Blessing ‘yan kasi it gives us an extra boost of support also to know that different countries are also favoring me in some way or seeing good things in me.

“So it really make me feel good. I mean I’m working in my hardest but there’s a lot more to come,” pagtatapos pa ni Catriona Gray.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s