Tori Garcia, abala sa kanyang mall tour para sa mga bata

Ni: Throy Catan

38658567_507144549707433_2905753127607074816_n

MUKHANG sasabak na rin sa music industry ang aking anakanakan na si Tori Garcia.

Nung Hulyo 22, nag-perform si Tori sa Ali Mall para sa The Colors of July mall show kasama sina Maricar Aragon at Josh Yape para ma-promote ang sarili nilang kanta.

Ngayon, sa darating na Linggo, August 12, meron na si Tori na sariling mall show na may pamagat na Tori Garcia: #MayPaTshirtSiAteToriParaSaMgaBata Mall Show. Gaganapin ang nasabing mall show sa Ayala Pavilion Mall sa Biñan, Laguna.

Hindi lang ito simpleng mall show. Mamimigay din si Tori ng libreng T-shirt para sa mga bata. Abokasiya ni Tori ang mapasaya ang mga bata kahit sa munting regalo lang. Nasimulan ang pamimigay ni Tori ng T-shirt nung binisita niya ang mga bata sa Word of Life Christian Community sa San del Monte, Bulacan.

Ang Tori Garcia: #MayPaTshirtSiAteToriParaSaMgaBata Mall Show ay free admission at kung may kasama kayong bata, may libre silang T-shirt mula kay Ate Tori.

Makakasama rin niya sa mall tour ay sina Josh YapeAra Altamira, Jennelyn Gagajena, at Lester Paul. Hosted by VR Relosa and Bruno Mar. Ito ay production ng TJC Entertainment Productions at R Multimedia Events Solutions.

Samantala, abala rin si Tori sa bago niyang pelikulang, My Dad! I Hate Drugs. Kasalukuyang shino-shoot ang pelikula, at makakasama ni Tori sa pelikula sina Dinky DooClaire RuizAlysse Montenegro, PJ Abellana, Dianne Medina, Jenny Fajardo at marami pang iba. Wala pang impormasyon kung kailan ilalabas ang nasabing pelikula.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s