Relasyon ni Sue kay Joao, unofficial pa pero happy sila together

By: Rose Garcia

HINDI nga makapaniwala ang Star Magic artist na si Sue Ramirez na bida na siya ngayon sa kanyang sariling pelikula at pumasok pa bilang isa sa walong official entry ng PPP (Pista ng Pelikulang Pilipino), Ang Babaeng Allergic sa WiFi.

Sey ni Sue, “Actually, napaka-surreal po ng nararamdaman ko. Wala po akong ibang masasabi kung hindi pagiging grateful sa lahat ng chances na nabibigay sa akin.

“Pero wala naman po yun sa lead or support, ibinibigay ko po yung lahat ng effort ko, yung best po na maibibigay ko, 100% po or kung may maibibigay pa po more than that.”

sue-joao

Ang Ang Babaeng Allergic sa WiFi ay idinirek ni Jun Lana at sinasabing isa sa most anticipated entry sa PPP na magsisimula ng mapanood ngayong August 15.

Kasama rin dito ang naging controversial kamakailan lang na si Jameson Blake. Maging sina Markus Paterson, Kiko Matos, Yayo Aguila at Boots Anson-Roa.

Sa isang banda, hindi pa rin maamin ng tuluyan ni Sue ang meron sa kanila ni Joao Constancia. Para rito, unofficial pa rin sila.

“I cannot say officially, lumalabas naman po kami. Unofficial po siguro.

“May mga bagay po siguro na nagte-take kayo ng time sa isa’t-isa. Hindi kayo nagpo-force.”

When asked kung ano ang puwedeng itawag sa kanilang dalawa, mabilis na sagot ni Sue, “Happy, happy together!”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s