Pagtataray ni Cherie kay Jo, click na click sa mga manonood; ‘Onanay’ wagi sa ratings

Ni: Rose Garcia

TAMANG hinala kami sa bagong primetime show ng GMA-7 na Onanay.

Noong presscon pa lang, na-feel talaga namin na may laban ang bagong serye na ito ng Kapuso network. Yung pagiging heartwarming ng kuwento at touch talaga ng isang soap-opera kasi ang nakita namin sa pinagbibidahang serye na ito ng Superstar na si Nora Aunor at ng baguhang si Jo Berry.

At sigurado, nakahinga na ng maluwag ang cast ng Onanay dahil wagi nga sila sa ratings.

Obviously, click sa mga manonood ang mga eksena rin nina Cherie Gil at Jo. Isang napakatangkad na babae na nagtataray sa napakaliit na si Jo.

That was tough to watch. #onanay

A post shared by Cherie Gil (@macherieamour) on

Nag-post sa kanyang Instagram account si Cheri na halatang nag-e-enjoy sa Onanay.

Aniya, “That was tough to watch,”

Nabanggit na ng veteran contravida na maingat siya sa mga eksena dahil ayaw niyang masaktan si Jo, pero ibang sakit pala ang naramdaman niya nang mapanood ang eksena.

Nakakatuwang subaybayan si Cherie sa kanyang Instagram posts dahil malayong-malayo sa intimidating character niya ang kanyang online presence. Benta ang posts at nakakaaliw basahin.

#onanay

A post shared by Cherie Gil (@macherieamour) on

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s