Direk Chito, na-impress nang husto sa kahusayan ni Christian dahil ‘di predictable ang acting

Ni: Ricky Calderon

IMPRESSED si Direk Chito Rono kay Christian Bables, ang bida sa kanyang latest movie titled Signal Rock.

“Napakabait at napakamasunurin ni Christian. Naka-focus siya. Hindi siya nadi-distract sa role niya. Kaya fabulous ang performance ni Christian dito kasi maniniwala ka na siya talaga si Intoy,” kwento ni Direk Chito Rono about the lead actor of Signal Rock.

Si Christian ang napili ni Direk Chito para gumanap sa role ni Intoy dahil, ayon sa kanya, hindi ito predictable as an actor.

“Baguhan nga siya pero magaling. Hindi predictable ang performance niya. May sarili siyang style na hindi pamilyar sa mga tao,” wika pa ng award-winning director.

CHITO-RONO

Nakita rin ni Direk Chito ang desire ni Christian to do something else.

Gustung-gusto raw ng binata to portray challenging roles.

“Bida nga siya agad dito sa ‘Signal Rock’. How many offers can you get na next movie mo ikaw na agad ang lead? It’s very good for us na nakahanap kami ng artista na hindi pa bugbog ang career. Fresh pa. Hindi pa masyadong kilala ng tao. Natsa-challenge pa siya sa mga role na ginagawa niya. We are very lucky to have Christian as our lead actor,” sabi pa ni Direk Chito.

Showing na ang Signal Rock sa August 15.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s