Wryan, nagsisipag na mag-audition upang makapasok sa teleserye ng ABS-CBN

Ni: Rose Garcia

NANG makita namin si Wryan Chua, hindi na kami nagtaka na kahit na masasabing hindi pa rin siya ganoon ka-visible kumpara sa ibang artista, siya talaga ang napili ng ‘Mannix Carancho Prestige Co.’ kung saaan, meron silang iba’t-ibang direct selling products mula sa glutathione, whitening lotion, whitening/kojic soap at iba pa.

Eh, ang ganda ng kutis talaga ng 2016 runner-up ng Mr. Chinatown.

Naipo-promote naman daw niya ang mga produkto sa social media accounts niya.

Pamilyar sa amin si Wryan dahil una, naging alaga pala siya ng manager/kaibigan na si Jun Reyes. Second, kasama siya sa controversial movie na Chiong Sisters.

wryan c2

Si Wryan ang gumanap na isa sa mga kapatid ng dalawang biktima bilang si Dennis Chua.  Napanood din daw niya ang Give Up Tomorrow na docu film and in fact, even before raw na ginawa niya ang movie.

Para raw sa kanya, wala raw siyang pinapanigan sa dalawang version.  Unang pelikula raw ni Wryan ang Chiong… sa VIVA Films kunsaan, naka-kontrata siya for two years na.

Although wala siyang masyadong nagawa for two years, hindi raw ito masyadong naka-apekto kay Wryan dahil nakapagtapos siya ng kursong Tourism sa College sa C.E.U.

Ngayon daw, nagsisipag siyang magpunta sa iba’t-ibang audition, lalo na sa mga teleserye ng ABS-CBN.

wryan c2

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s