Ken, halos napatalon nang sabihin na may bagong pagbibidahang serye

Ni: Rose Garcia

PANIBAGONG challenge ang bagong afternoon prime na binigay ng GMA-7 kay Ken Chan. 

Kung matagumpay niyang nagampanan noon ang Destiny Rose, this time, isang may intellectual disability naman ang gagampanan niya sa My Special Tatay.

Halos napatalon daw si Ken nang sabihin sa kanya ang bagong serye.  Naisip din ni Ken dito ang sariling Tatay niya na halos mag-iisang buwan na raw na naka-confine sa hospital. Ang dahilan, ang pagkakaroon nito ng esophagus cancer.  Ilang operasyon na raw ang ginawa sa Tatay niya at hinihintay pang maka-recover ang katawan bago masimulan ang pagki-chemo.

Kaya sabi ni Ken nang makausap namin sa storycon, dine-dedicate niya raw talaga sa daddy niya ang bagong serye.  At nakita raw niya kung gaano rin ito natuwa at ka-proud sa kanya sa My Special Tatay.

Posibleng ngayong August na magsisimulang mapanood ang serye na ididirek ni L.A. Madridejos (same director nila Ken sa Meant to Be).     Bilang preparation niya for the serye, nag-immersion daw siya kasama ang mga may ganitong kondisyon at dun daw niya nakita na hindi dapat i-judge ang mga taong may intellectual disability at iba-iba rin ang degree ng meron nito.

Sabi ni Ken sa bagong hamon sa kanya ng network bilang isang actor, “Kinakabahan po ako, pero natsa-challenge po ako.  Nandun yung eagerness na galingan mo kaya pagbubutihan ko pa rito para ma-inspire rin po ang mga manonood.”

At ilan sa makakasama ni Ken sa serye ay sina Isabella de Leon at Arra San Agustin bilang leading ladies niya, Teresa Loyzaga, Bruno Gabriel at Lilet Esteban.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s