Hiro Nishiuchi, na-in love sa Pilipinas at gustong subukan ang showbiz

Ni: John Fontanilla

LAST week ay nasa bansa ang Miss Universe-Japan 2014 first runner-up  na si Hiro Nishiuchi kasama ang  composer/concert producer for Boyz II Men, Big Bang, etc. na si Moss Kitayama, Jun Esturco (award-winning Filipino photographer based in Japan) at Seishin Ueno (manager of Hiro) para mag-shoot sa iba’t -ibang magagandang lugar bilang appointed Philippine Tourism Fun Ambassador.

Na-in love daw ang si Hiro sa ganda ng Pilipinas lalo ng makarating ito sa Coron, Palawan kaya naman ang goal niya ay, ‘to promote fun in the Philippines through International Conversations’, kung saan ini-aim nito na i-encourage at i-educate ang mga taong nakikilala niya around the world kung gaano kaganda ang Pilipinas.

hiro n

Balak daw niyang libutin ang buong Pilipinas para lumawak pa ang kanyang kaalaman at mapuntahan ang mga nakatagong ganda ng Pilipinas nang sa gayon ay marami siyang maibabahagi sa mga kaibigan at kakilala nito sa Japan, maging sa mga bansang napupuntahan niya.

Maging ang kahalagahan daw sa kalusugan ng gulay na Malunggay ay ibibida at ikukuwento raw nito sa kanyang mga kababayan sa Japan para matutunan din itong kainin ang masustansiyang gulay.

Balak din niyang subukan ang showbiz kung siya ay papalarin at mabibigyan ng pagkakataon. Pero sa ngayon daw ay mag-aaral siyang manangalog bilang paghahanda.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s