Bela, nag-sorry pala agad kay Kim at pinagtawanan nila ang isyu

Ni: John Fontanilla

WALA raw gap na namamagitan sa magkaibigang Bela Padilla at Kim Chiu, kahit na nga ini-intriga ang ito ng ibang mga tao.

Nananatili raw magkaibigan ang dalawa at tinatawanan na lang ang mga nang iintriga sa kanila.

Maaalalang ng dahil sa biruan nila ng kanyang bestfriend na si Kim sa guestings ng mga ito sa GGV kamakaikan ay binulabog ng mga hate messages sa social media ang lead actress ng pelikulang A Day after Valentine’s ng Viva Films.

Na-beastmode ng ilang fans sa naging banat na biro ni Bela at ni Vice Ganda nang lumabas ang larawan ng ex-boyfriend ni Kim na si Gerald Anderson sa segment na “Tanong Mo Mukha Mo.”

Tsika ni Bella,  “The next day, nag-text ako sa kanya noong nakita ko na yung mga comments.

“Parang nag-text ako sa kanya na, ‘Kim, may nasabi ba ako na na-offend ka or something?’

“Sabi niya, ‘Wala. Tapos pinagtawanan lang din namin.

“Sabi ko, ‘Kung meron man, sorry. Kasi, ako rin, pinupuruhan niya ako noong GGV.

“Siyempre, iba rin yung pagka-edit sa napapanood namin. Ang dami niya ring ibinuking sa akin.”

Okey na okey naman sila ni Kim at ang mga tagahanga lang daw talaga ang sobrang na beastmode.

Sa ngayon daw ay deadma muna si Bela sa mga intriga dahil busy ito sa promotion ng pinagbibidahannilang pelikula ni JC Santos na entry ng Viva Films sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino na magsisimula na sa August 15.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s