Anne, nangakong last na last na talaga ang gaganaping concert sa Big Dome

Ni: Rose Garcia

BACK to Araneta Coliseum si Anne Curtis para sa kanyang Anne Kulit Promise, Last Na ‘To! Concert. Bahagi na rin ito ng pagdiriwang niya ng kanyang ika-21st anniversary sa showbiz.

Sa August 18 ang pagbabalik Big Dome ni Anne after her two successful Anne series concerts in the past.  Pero nangangako talaga si Anne na talagang last na last na raw talaga niyang magko-concert at hahayaan na talaga niya ang mga totoong singers.

“I feel na okey na yun. Ipapahinga ko na ang concert scene.  Honestly, it wasn’t my idea, Ha ha ha! It was Boss Vic’s idea.  Gusto niya talagang mag-concert ako to celebrate my 21st anniversary.

“Pinag-isipan ko kasi, parang keri ko pa ba?  Eh, gusto nila and I’m a game person naman.”

anne c1

Eh, sunod-sunod ang mga schedules ni Anne dahil sa taong ito, tatlong pelikula ang ginawa niya.  Kasalukuyan pa rin palabas ang BuyBust at may pang-MMFF pa siyang Aurora at saka niya isinasabay ang pagre-rehearse for the concert.

Nagbo-voice lesson daw si Anne dahil makikipag- ‘bosesan’ siya sa Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.  Makikipag-dance and sing showdown naman siya Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.  Pinangako naman ni Anne na kung pasabog na last two concerts niya, mas abangan daw ngayon.

Special guests din sina James Reid, Ex-Battalion at Aegis.

Sabi naman niya, “I think, this would just be so much fun.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s