Lindsay, ‘di pa ready na magpaka-daring sa mga roles kahit 18 na

Ni: Ruel J. Mendoza

HINDI pa raw ready na magpaka-daring ang Kapuso teen actress na si Lindsay Johnston.

Kahit na 18-years old na siya, may mga bagay na hindi pa rin siya puwedeng gawin.

“I come from a conservative family. Very protective ang parents ko kaya sumusunod pa rin ako sa mga gusto nila.

“Although pagdating naman po sa showbiz work, they trust GMA, especially when it comes to the roles na binibigay po sa akin sa mga teleserye.

“Like dito po sa ‘Victor Magtanggol’, I play the kikay sister of Alden Richards.

“It’s my first time to work with Kuya Alden at siyempre, natuwa ang parents ko kasi paborito nila si Kuya Alden,” ngiti pa ni Lindsay.

LINDSAY1

Hindi pa raw puwedeng makipag-kissing scene si Lindsay or magsuot ng mga sexy na damit. Kahit daw sa Instagram niya, never pa siyang nakakapag-post na naka-bikini siya tulad nang mga ginagawa ng kaedad niyang teen girls.

“Nahihiya po kasi ako. Kaya ang mga beach photos ko, naka-sundress ako. Never ko pa pong in-attempt na mag-post na naka-bikini ako.

“Siguro po someday kapag confident na ako sa body ko. Sa ngayon po kasi, ayoko pa.

“Okey na muna ako na mag-post ng naka-gown or kapag natuwa ako sa makeup ko magse-selfie ako. Wholesome pics po muna,” sey pa ni Lindsay.

Dating “de Vera” ang last name ni Lindsay, pero ngayon daw ay gusto niyang gamitin ang tunay na family name niya na “Johnston” para sa ikakatuwa ng father niya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s