Jo, pinupuri ni Direk Gina dahil natural at feel na feel ang pag-arte sa ‘Onanay’

Ni: Nora V. Calderon

HUHUSGAHAN na ngayong gabi, ang bagong contract artist ng GMA Network na si Jo Berry, sa pagganap niya bilang si Onay sa heart-warming primetime series na Onanay na mapapanood gabi-gabi pagkatapos ng Victor Magtanggol.

Maraming humanga kay Jo na tinanggap niya ang offer ng GMA na mag-artista sa kabila ng kanyang pagiging ‘little people,’ ang tamang tawag sa mga taong tulad niya.

Jo stands three feet tall, at namana niya at ng kuya niya ang height ng kanilang ama.  Pero hindi naging dahilan ito para hindi mabuhay nang normal si Jo, college graduate siya at may magandang trabaho nang dumating ang offer ng GMA.

“Hindi po ako nagtanong noon bakit ganoon lamang ako kaliit, dahil nakikita ko naman na masaya rin at walang problema ang daddy at kuya ko,” kuwento noon ni Jo sa press launch ng serye.

“Tinanggap ko po ito dahil gusto ko namang patunayan na kaya ko ring gumanap sa mga roles na tulad sa ibang artista.  Maganda po ang ginawa ang GMA at gusto ko ring sa pamamagitan ng ‘Onanay’ magbago ang pakikitungo ng mga tao sa tulad ko na little people.  Gusto ko pong maging advocacy ito.”

Family (4)

Ayaw din kasi ni Jo na pinagtatawanan at pinaglalaruan sa pelikula at TV ang mga tulad niya.

Sa Onanay, mai-inlove kay Onay si Elvin na ginampanan ni Adrian Alandy.  Hindi raw ang size ni Onay ang nakikita niya kundi ang mabuting puso nito.  Pero siyempre ay hindi ito matatanggap ng ina ni Elvin, si Helena (Cherie Gil) na dating isang beauty queen at may-ari ng isang online fashion magazine.  Siya ang magpapahirap sa buhay ni Onay.

Si Nora Aunor naman ang gaganap na ina ni Onay, si Nelia, na gagawin ang lahat para maipaglaban ang kanyang anak, lalo na nang dumating ang isang pangyayari sa buhay nito.  Magkakaroon ng dalawang anak na babae si Onay, sina Maila (Mikee Quintos) at Natalie (Kate Valdez).

Sa direksyon ni Gina Alajar, pinuri rin nito si Jo dahil natural na natural daw ang acting at feel na feel nito ang mga eksena nila.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s