Janine, aminadong kinabahan nang husto sa ‘Victor Magtanggol’ dahil sa kanilang direktor

Ni: Nora V. Calderon

INAMIN ni Janine Gutierrez na sa lahat ng shows na ginawa niya, dito sa Victor Magtanggol siya nakaramdam ng nerbyos.

Hindi raw dahil sa bashers na ayaw na makatambal siya ni Alden Richards, kundi sa first time niyang maididirek ni Dominic Zapata.  Noong daw bata-bata pa siya, lagi na raw niyang naririnig sa kanyang Uncle Richard (Gutierrez) ang pangalan ni Direk Dom.

Parang lahat na lamang artista paborito siya kaya sa unang taping day niya, inatake siya ng nerbyos, nakalimutan daw niya ang mga lines niya, nai-stress siya.

JANINE8 (1)

Pero mali raw pala ang pakiramdam niya dahil nang nagsimula na silang mag-taping, nakita na niyang wala siyang dapat ikatakot, lahat ng tao sa set ay very accommodating, “may teamwork sila, lalo pa at ang ‘Victor Magtanggol’ ang biggest project nila this year.  And I’m thankful na isa ako sa nakabilang dito.”

Sundan ang journey nina Victor Magtanggol at Gwen Regalado sa Victor Magtanggol gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s