JC at Bela, na-friendzone agad ang isa’t-isa kaya imposibleng maging sila

Ni: Rose Garcia

SINEGUNDAHAN ni JC Santos ang statement ni Bela Padilla na pagdating sa mga lovelife nila, “pinakasalan na namin ang trabaho namin.”

Sey ni JC, “Oo, papunta na ko run, papakasalan ko na ito. Ha ha ha!”

Napa-“oo” rin nang natatawa ang bida ng The Day After Valentine’s ng VIVA Films nang sabihin namin na parang resigned na sila sa lovelife.

So, parang bitter lang?

“Wala, wala naman.  Masaya kong nagta-trabaho ngayon.”

Since pareho silang single ngayon, may chance na puwedeng may ma-develop sa kanila at maging sila.  Kaso, parang na-friendzone na agad nila ang isa’t-isa, huh!

“I think, nagwu-work ang relationship namin na ganito na good friends talaga kami.”

Actually, napansin ng press si JC sa naging presscon nila ni Bela para sa The Day After Valentine’s na parang sobrang high ito ngayon sa saya. Iba ang mga kilos nito at parang happy lang talaga.

Parang mas positive at naging masaya ang disposisyon niya nang maging single pa siya.

“Nandoon na ko sa living in the moment,” nang tanungin ito kung talagang naka-move-on na nga sa past relationship.

JC-BELA-TDAV

Hindi raw siya naniniwala sa tinatawag na ready na para magkaroon ng bagong karelasyon. Kung meron, meron daw.

Mapapanood ngang muli ang tambalan nina JC at Bela sa bago nilang movie sa PPP.  Sa last year’s PPP, ang movie nila na 100 Tula Para kay Stella sa direksiyon din ni Jason Paul Laxamana ang nag-top grosser. Ngayon daw, ayaw raw nilang pa-pressure na kailangan sila pa rin.  Masaya raw sila kung may mga bagong mapapansin, maghi-hit din among the PPP’s entry.

Ayaw rin nilang ma-label as loveteam dahil feeling nila parehong, matanda na sila para sa loveteam. Pero, okay sila sa gusto ng VIVA na every year sana, meron silang isang pelikulang gagawin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s