Winwyn, ‘di na-imagine na darating ang araw na magiging leading lady ni Vhong

Ni: Ricky Calderon

HINDI na-imagine ni Winwyn Marquez na darating ang araw na magiging leading lady siya ni Vhong Navarro.

Hindi nga raw siya makapaniwala nang sabihin sa kanyang makakapareha siya ni Vhong sa Unli Life.

Noong bata pa raw siya ay fan na fan siya ng Streetboys na sumasayaw sa mga campaign rallies ng daddy niyang si Joey Marquez (na kasali rin sa Unli Life).

“It’s an honor na makatrabaho si Vhong kasi sobrang mabait at maalaga siya. He treats everyone equally, mula sa mga co-stars niya, staff and crew, pati mga extra,” wika ni Winwyn sa presscon ng movie na dinirek ni Miko Livelo.

Kuya Vhong nga raw ang tawag niya sa actor-comedian pero sabi raw nito na huwag niya itong tawaging Kuya kasi leading lady na siya. Nagulat si Winwyn na very humble pala si Vhong.

UnliLife-Title_VHONG

Ang dream ay makasama niya itong sumayaw sa isang number (na magagawa nila kung may mall show) pero not on TV kasi magkaiba sila ng network.

Masaya rin si Winwyn na kasama niya sa movie ang daddy niya. First time nila to do a movie together. Saka magkakasama sila ng daddy niya sa promo.

Wala nga lang daw silang eksena together ng daddy niya sa Unli Life dahil ang laging kaeksena ng daddy niya si Vhong.

Sa kwento, nakapaghiwalay siya kay Vhong. Dahil broken-hearted, pumunta ito sa isang bar at doon nito nakilala si Joey, isang misteryosong bartender na pinainom siya ng ‘Wishkey’ na pwedeng magbalik sa kanya sa nakaraan na parang time machine.

Matagal na rin sa showbiz si Winwyn pero ito ang unang lead role kaya ang billing niya sa Unli Life ay introducing.

Wala na raw siyang balak mag-join ng Bb. Pilipinas Pageant sa ngayon dahil mas gusto niya mag-focus sa kanyang showbiz career.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s