Vhong, nakahinga-hinga na dahil sa ‘guilty verdict’ sa kasong sinampa

Ni:  Rose Garcia

LIMANG taon na rin pala simula nang mangyari ang kaso ni Vhong Navarro laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo at Jed Fernandez na grave coercion.

Ngayon daw, after five years, nakakahinga-hinga na rin si Vhong dahil sa guilty verdict sa tatlo.

Nagkasunod-sunod din daw ang mga hindi magagandang ganap sa kanya, even nitong 2017.

Kuwento niya, “Yung pinagdaanan ko ng 2017, napakabigat.  Marami akong pagsubok na pinagdaanan pa. At yung pagpasok ng January, nawala ang aking ama na napakalapit sa akin.

“Sabi ko nga kay Lord, ang hirap kuwestuyunin. Akala ko po, tapos na, akala ko po, okay na. Pero, nandiyan pa rin ang pagsubok. Kailangan nga nating harapin yun dahil dito tayo sinusubukan.”

unli life

After naman daw ng mga hindi maganda, narito naman ngayon ang mga blessing. Kaya para sa kanya, yung faith daw talaga hindi dapat nawawala.

Pero may disclaimer siya at ‘wag daw isipin na porke’t sinasabi niya ang mga ito ngayon ay banal na banal na siya.  Nagiging totoo lang daw siya dahil lahat daw ng dasal niya, nangyayari lahat.

“Una sa lahat, hindi namin alam na makakapasok kami sa PPP.  Noong ginagawa namin ang ‘Unli Life’, wala kaming playdate. Kaya na-enjoy namin ang shoot dahil hindi kami nagmamadali.

“Kapag may playdate na, ang nangyayari, nagmamadali, nagsa-suffer ang quality. Kumbaga dito sa ‘Unli Life’, ine-enjoy namin at another blessing yung natanggap kami sa PPP.”

First time nga raw niyang makasama sa PPP kaya sobrang blessing daw sa kanya.  Ibinahagi na rin ni Vhong na sa kaya raw sa ABS-CBN, kapag wala silang ginagawa sa It’s Showtime, dumadaan daw talaga siya sa chapel para magpasalamat.

Sey niya, “Lagi ako run. Hindi ko alam, parang pumasok na yata akong sacristan dun.  Hindi ko alam, ganun ang lagi kong ginagawa.”

Mas positive, mas magaan na nga ang aura ni Vhong ngayon sa presscon ng Unli Life ng Regal Entertainment kunsaan, mapapanood ito simula August 15 nationwide.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s