Kristoffer, gustong makilala bilang aktor kaya tatanggap ng iba’t-ibang roles

Ni: Ricky Calderon

EXCITED si Kristoffer Martin na gumanap bilang kontrabida kay Alden Richards sa Victor Magtanggol.

“First time kong makakasama si Alden sa isang soap. Kuya ko ‘yan eh. Sobrang close kami. Bago pa nasabi sa akin na kasali ako rito, sa kanya ko ito unang narinig. Pero sabi niya huwag muna akong maingay,” pahayag ni Kristoffer sa grand presscon ng Victor Magtanggol.

“Sobrang saya kasi ibang-iba ang eksena namin together. Lagi ko siyang inaaway. Saka first time kong magkontrabida so para sa akin, enough reason na iyon para panoorin ng mga tao itong bago namin show.”

Sinabi ni Kristoffer na gusto niya to do something different kaya tinanggap niya na gumanap na kontrabida kay Alden.

“Medyo complex ang karakter ni Lance. Hindi mo alam kung kanino ba talaga siya kampi,” kwento pa niya.

KRISTOFFER4

Very open si Kristoffer to improve his craft as an actor kaya he is very much willing to take on any kind of role.

“Gusto ko talaga makilala bilang isang actor. In doing varied roles, gusto kong makita ang strengths and weaknesses ko. Kung ano ang kaya ko o kung ano ang hindi ko kaya. Ang gusto ko ay makapag-portray ng isang karakter na may maibibigay na impact sa audience,” dagdag pa ng guwapong Kapuso actor.

Talking about his character Lance, he described him as “scheming.”

“Hindi mo alam kung ano talaga siya. Medyo malalim ang karakter niya kaya di mo agad makukuha kung how bad he is talaga. First time ko kasi gumawa ng isang kontrabida role kaya gusto ko may impact,” dugtong pa ni Kristoffer.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s