Bela at JC, muli na namang magtatambal sa kakaibang kuwento ng pag-ibig

Ni: Rohn Romulo

MULING magtatambal ang Primetime TV Gem na si Bela Padilla at ang Kapamilya Primetime Actor na si JC Santos, isang taon matapos ang matagumpay na unang tambalan sa blockbuster na movie na 100 Tula Para Kay Stella.

Bibida nga ang dalawa sa isang kakaibang kuwento ng pag-ibig sa The Day After Valentine’s na mula a panulat at direksyon ni Jason Paul Laxamana.

Isa ito sa walong official entries sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino na mapapanood sa buong bansa simula sa ika-15 ng Agosto.

Gagampanan ni Bela ang papel ni Lani, isang simpleng dalaga na mahilig sa broken things at ‘Baybayin’, ang sinaunang sistema ng pagsusulat ng mga Pinoy.

Si JC naman ay gaganap bilang si Kai, isang binatang nahihirapang mag-move on sa kanyang past relationship.

JC-BELA-TDAV2

Nagtagpo sila sa isang ‘di inaasahang pagkakataon, at dahil nga nag-click sila, napagpasyahan nilang lumabas at gumimik ng Valentine’s day.  Magawa kaya nilang tulungan ang isa’t-isa sa maikling panahon ng kanilang pagsasama?

Kumpara kina Fidel at Stella ng 100 Tula… mas komplikado ang karakter nina Kai at Lani sa The Day After Valentine’s na kinunan ang ilang bahagi sa napakagandang isla ng Hawaii.

At ayon kay Bela, mare-realize sa movie ang katotohanang ‘masakit ang magmahal.’

Magdadagdag pa sa kakaibang mood at vibes sa movie ang heart-tugging soundtracks na kinabibilangan ng “Akala” ni Marion Aunor; “Taguan” ni John Roa; “Pag-ibig Lang” ng The Juans; “Feel” nina Jameson Tenorio at Ian Ancajas at “For the Rest of My Life” ni Bela Padilla.

Ang The Day After Valentine’s ay produced ng Viva Films at rated PG ng MTRCB at Graded A ng Cinema Evaluation Board.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s